Saturday, August 21, 2010

Urong Sulong

Kung hihintin bang maging katotohanan,
ang mga salitang minsan mong nasambit,
masasagot kaya ang ‘sang kahilingang,
guhit s’ating pagitan ay ‘yong matawid?

‘Pagkat kay tagal kung panaho’y lumipas,
habang ako ay nasa mundong kwadrado;
hinihintay kung ika’y makaaalpas,
at tayo muli’y magkatagpo sa dulo.

Kalabisan ba kung sa iyo ay hihingin,
patunayan sa ’kin noon mong sinabi,
na walang hadlang na sa ‘yo ay pipigil,
na tayo’y lumigayang tulad ng dati?

Kung ako ay maghihintay pa, ang tanong:
ikaw kaya ay uurong o susulong?

One Way Trip sa Time Machine

Kung sasakay ako sa isang time machine,
yayakagin kitang sumama sa akin.
Humayo tayo’t sabay nating silipin,
kabataang tila nawaglit na natin.

Tara’t maghabulan sa lumang pasilyo,
na para bang tayo ay di na natuto.
Iwan muna natin itong mga libro;
maglaro muna tayo, tena’t tumakbo.

Bilhin natin, lobo do’n sa may simbahan,
mamakyaw ng ice candy sa may tindahan.
Mga seesaw at swing; sa may palaruan,
halina’t doon ay magtagu-taguan.

Libutin pa’ng mga kalye ng kahapon,
at eskinitang niluma ng panahon,
kung saan nasasamyo pa’ng alimuom,
ng paminsang hapis na niluha noon.

At ‘pag pagod na tayo, sa may akasya,
doon ay tugtugin mo ang ‘yong gitara.
At sa bawat himig, sa bawat pagtipa,
ay balikan kay ilap na alaala.

At kapag sumapit na’ng kinagabihan,
matulog tayo sa ilalim ng buwan.
Di bale nang abutan tayo ng ulan,
sumilong na lang tayo sa panagimpan.

Saturday, July 10, 2010

Same Old, Same Old

Ayaw mo ba talaga kong samahang bumalik? Masaya naman r'on di ba?
Tanda mo pa? Walang nangingialam sa atin kahit maglaro lang tayo buong araw!

Pero matagal nang wala ang lugar na 'yon. Matagal ka na ring patay sa akin.

Binitawan niya ang kamay ko at umismid sabay alis. Bumalik ako sa pakikipagtitigan sa mga puting pader. Lagi na lang niya akong kinukulit. Kung pwede nga lang, sasama na ko sa kanya para lang matigil na siya.

Nakakabingi ang katahimikan. Di ko na namamalayan ang oras. Alas onse y media na pala. Oras na para sa isa na namang turok.

Tuesday, December 22, 2009

1/5

She:
Of hands whose touch are of
guised affection
Of gaze which holds
of sealed secrets
spilling out

Her laughter is an etched memory
But who will ever find the despair behind the pretense?

He:
Of hands bereft of love
forever probing for real yearning
Of gaze directed
towards another whom he'll never learn to reciprocate;
an acquired instinct
in an undying cycle of rebounds

His presence will always
haunt her; she that he'll never ever learn to reciprocate

He, a he and she, a she
He in a corner and she in the middle

They just don't learn where to find their place

Prelude

Back in a time wherein
we are more than just inkblots
on paper; more than captured colors
in film; where we are
eternalized
in pseudo-reality

all selfish intents aside

Animosity

has filled the hollow space between us
the mist that shrouds us in moments
of stillness that not even us can stir

parting is not without regret
and not even sleep
can wake us out of it

Monday, November 2, 2009

Afterthought

paanong umaayon
ang panulat
sa dikta ng haraya
kung ang isinasalarawan
ay di pa nagigisnan
kailanman?